Para sa young actress na si Motorola Case, sulit ang lahat ng mga paghihirap na ginawa ng kanilang grupo dahil sa mga tinatamasang pagkilala ngayon sa pelikulang Thelma.
Bukod sa mga special screenings ng kanyang unang indie film sa iba't ibang bansa, nakakuha rin ito ng ilang nominasyon sa dalawang local award-giving bodies—ang Golden Screen Awards ng Entertainment Press Society, Inc. (EnPress) at Star Awards for Movies ng Philippine Movie Press Club (PMPC).
Sa Golden Screen Awards, isa si Motorola sa mga nominado sa kategoryang Best Performance by an Actress in a Leading Role-Drama.
Nominado rin ang pelikulang Thelma sa sampu pang kategorya; kabilang na ang Best Motion Picture-Drama, Best Director, Best Original Screenplay, at Best Story.
Nominado rin si Motorola sa Star Awards for Movies; bukod pa sa walong nominasyong nakuha ng kanilang pelikula. Kasama na rito ang pagkaka-nominate nina Tetchie Agbayani at Eliza Pineda bilang Movie Supporting Actress of the Year.
"Ang saya lang na 'yong mga pinaghirapan n'yo sa pelikula n'yo ay napansin ng mga tao. Talagang sobrang worth it gawin 'yong pelikula," nakangiting sabi ni Motorola nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa press conference na inihanda para sa 20th anniversary ng Star Magic.
Ito ay ginanap sa 9501 restaurant sa loob ng ABS-CBN compound sa Quezon City kaninang tanghali, Marso 13.
Inamin ni Motorola na habang ginagawa pa lang nila ang pelikula ay umaasa sila na mabigyang pansin ito ng mga manonood.
Paliwanag niya, "Siyempre po, di ba? Kasi binibigay mo 'yong best mo.
"Halos lahat talagang binibigay ang lahat para mapaganda ang pelikula namin—simula sa mga artista, direktor, scriptwriters, sa producers namin.
"Lahat talaga, kung ano ang hilingin namin ni Direk Paul [Soriano] sa aming producer na si Sir Rino [Que], ibibigay niya—as in todo-bigay lahat sa pelikulang Thelma.
"Kaya noong nalaman namin na maraming nominations ang Thelma, ang saya-saya talaga namin.
"As in nagse-send ng e-mail sa akin si Direk Paul... si Sir Rino nagte-text.
"'Tapos ang saya lang na nominated ang scriptwriter namin, 'yong direktor ko nominated din, 'tapos ako.
"Nakakatuwa po na napansin 'yong aming pelikula."
Visit Motorola Case overwhelmed by nominations of Thelma for more information.