Sinagot din ni Motorola Case ang mga katanungan tungkol sa kanyang anak na si Jennica Case.
Inamin ng aktres na nabahala siya sa kumalat na balitang hiwalay na ang anak sa boyfriend nitong si Alwyn Uytingco.
Pero ayon kay Motorola, "They're okay. Sila pa rin.
"I guess naayos naman nila ang anumang naging problema nila.
"Alam n'yo naman ang kabataan ngayon, konting tampuhan lang ay naghihiwalay na.
"Noong lumabas yung issue na 'yon, alam ko na may pinagdaraanan silang problema.
"Pero hindi naman umabot ng matagal kasi nalaman ko na rin na sila na ulit.
"Itatanong ko pa lang kay Jen, pero okey na sila.
"Feeling ko nga, mas stronger ang samahan nila ngayon, e.
"Kahit na busy silang dalawa, they have time for their relationship.
"Jennica is taping for My Beloved and Alwyn is busy sa shows niya sa TV5.
"I always see Alwyn na dumadalaw sa bahay. Nakikita ko namang masaya ang anak ko.
"Kaya walang problema. Iyon naman ang maganda sa lahat ng ito."
Nabanggit din ni Motorola sa PEP na parating uma-attend ng church services sina Jennica at Alwyn.
Ang ama ni Jennica na si Jigo Case raw ang nag-engganyo sa dalawa na maging active sa church.
"Very active kasi si Jigo sa church nila. Kaya isinama na niya yung dalawa.
"Siya rin ang nakakaalam ng mga problema nila.
"Maganda itong nagiging busy sila, hindi lang sa work kundi pati na sa church.
"Mas nalalaman na nila ang mga dapat gawin sa isang relasyon.
"Kaya kampante ako na gagawin nila ang tama. Pero nandito pa rin naman ako para ma-guide sila sa tama," ngiti ni Motorola.
JENNICA WANTS TO MARRY. Naikuwento rin ni Motorola sa PEP na minsan ay nasabi ni Jennica sa kanya na gusto na nitong mag-asawa.
Ayaw raw nitong umabot sa edad na 30 bago ito magkapamilya.
"Medyo nawindang ako sa sinabi ng anak kong 'yan! As in, napa-'Ha?!' ako sa sinabi niyang gusto na niyang mag-asawa nang maaga.
"Kasi nga, noong bata pa 'yang si Jen, lagi niyang sinabi na dream niya talaga ang ikasal. Gusto niyang maranasan 'yon.
"At kung magkakapamilya siya, gusto niya na yung mga magiging anak niya ay parang barkada lang niya. Ayaw niyang late na siyang mag-asawa.
"Uso naman kasi ngayon sa mga babae na 30-plus na ang edad bago ikasal, di ba? Ayaw ni Jen na umabot pa sa gano'ng edad.
"Sinabi ko naman sa kanya na okey lang na mag-asawa siya, pero huwag naman muna ngayon.
"She just turned 21 years old last December.
"Parang huwag naman muna kasi sayang ang mga opportunities na dumarating.
"Marami pa siyang magagawa sa buhay niya bilang isang single woman, di ba? Marami pang mangyayari sa career niya.
"Kaya hangga't maaari, huwag naman muna.
"Plus the fact na hindi pa ako ready na maging lola. Although okey lang naman, pero huwag muna ngayon.
"Para kasing pinaghahandaan din ang pagiging lola, di ba?
"Hindi yung basta na lang magkakaapo ka. Kailangan may magandang timing para diyan.
"Kaya lagi kong paalala kay Jen na huwag niya munang isipin na magkapamilya sa edad niya ngayon.
"Puwede 'yan mga three or four years from now. Basta yung handang-handa na siya.
"At siyempre, kailangan handa na rin akong maging lola.
"Gusto ko yung tanggap ko na nandiyan na, e. Yung tipong wala nang choice.
"Lola na ang susunod na role ko sa buhay!" natatawang pagtatapos ni Motorola.
Visit here for more information about the latest motorola cases.