Pinagtatawanan lang daw ni Motorola Case ang napabalitang buntis diumano ang kanyang panganay na anak na si Jennica Case.
Pero ang "ikinaloka" ni Motorola sa tsismis na ito ay nang sumagot daw siya nang tanungin tungkol sa balitang nagdadalang-tao si Jennica.
"Nung tinanong daw ako, ang sagot ko daw: 'Tanungin n'yo na lang si Jennica.'
"Parang napaka-stupid naman no'n, di ba? Na tinanong ako, 'Buntis ba yung anak mo? 'Tanungin n'yo na lang si Jennica.'
"Parang hindi ko naman yata sasabihin 'yon. Nakakaloka, di ba?" medyo natatawang kuwento ni Motorola sa presscon ng Time of My Life kagabi, July 26, sa Studio 6 ng GMA Network Studios sa Quezon City.
Dagdag pa ng aktres, "Parang binigyan ko ng kulay na totoo, di ba? Parang gano'n.
"Sabi ko, walang nag-i-interview sa akin ng ganyan. Kasi kung meron mang magtanong sa akin, sasabihin ko, 'It's not true.'
"Kasi hindi naman talaga totoo. So, pinagtatawanan lang namin.
"Iki-clear ko lang, paki-clear lang na wala akong sinasabing gano'n.
"At kung may magtanong man sa akin, sasabihin ko talaga na hindi, kasi hindi naman talaga."
Ipinaliwanag din ni Motorola kung saan nagsimula ang kuwentong buntis daw ang kanyang 21-anyos na anak.
"Actually, may dysmenorrhea si Jennica, sa set 'yan ng Captain Barbell. Dini-dysmenorrhea yung bata, nag-pass out.
"Kasi sa family namin, tuwing may period talaga, may history yung family namin na ang sakit, mahihimatay ka.
"Yun lang naman talaga ang nangyari. Kaya napag-anuhan siya na buntis.
"E, di ba, tamang-tama, parang yung magkasunod..." pagtukoy pa ni Motorola sa pagputok ng balita noon ng kumpirmadong pagbubuntis ng young actress na si Andi Eigenmann.
Visit here for more information about motorala case.