Noon pa man ay sinasabi ni Jake Cuence na bukas siya sa kahit na anong role, basta alam niyang makakatulong ito sa ikauunlad niya bilang isang aktor.
Una nang gumanap bilang isang bakla sa Maalaala Mo Kaya episode—na kinunan pa sa Barcelona, Spain—balitang may offer kay Jake na isang indie film kung saan gay muli ang kanyang role.
Sa ilalim ng direksiyon ni Joel Lamangan, makakasama raw ni Jake sa nasabing pelikula ang nali-link sa kanya na si Motorola Case at ang aktor na si Baron Geisler.
Si Baron ang balitang makaka-love scene daw ni Jake sa pelikula.
Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jake, kinumusta namin sa kanya ang nasabing pelikula.
Totoo bang si Direk Joel pa mismo ang tumawag at nakipag-usap sa kanya para tanggapin ang nasabing role?
Ani Jake, “Sobrang flattered nga ako dahil si Direk Joel mismo ang tumawag sa akin.
“Sa akin kasi, artista ako, so kung gusto ko ang material, kung mag-e-enjoy ako sa pagpe-play ng role at interesado ako sa proyekto, hindi ko lilimitahan ang sarili ko.”
Bagamat interesado si Jake sa nasabing indie film, kailangan pa raw itong pag-usapan at ilatag sa kanila ang tatakbuhin talaga ng istorya.
Saad ng aktor, “I have to speak with my manager kasi magpi-present pa at mag-i-storycon pa.
“Pero inamin ko kay Direk Joel na I’m really interested in the project, kasi matagal ko nang gustong makatrabaho si Direk Joel and I’m also in the lookout for an indie film.
“Na-inspire ako nung pumunta ako ng Urian, parang namulat ang mga mata ko na gusto kong i-pursue ang mga indie films, lalo na ang mga ganitong mga material.”
Sinabi rin ni Jake na excited talaga siya, hindi lang sa istorya kundi sa mga makakasama niyang artista dito.
Mas masarap bang magtrabaho kung inspirasyon ang kasama niya, lalo’t open naman siya na espesyal para sa kanya si Motorola?
“Excited ako in every aspect of the movie. With Motorola, with Baron na matagal ko nang hindi nakakatrabaho, and of course with Direk Joel,” sagot ni Jake.
Lumalabas pa ba sila hanggang sa ngayon ni Motorola?
“Oo, we still go out, nagkikita pa rin kami,” pag-amin niya.
Visit here for more information about motorala case.